Prinsessa's Journal

memories and stories are meant to be shared...

Thursday, November 24, 2011

Feeling _ _ _ _ _ ?

Masama ang pakiramdam ko today, not physically hah. Ewan ko ba, bored?sad? or worst, empty?
Nagbukas na ako ng Facebook pero napa-stop ako, wala akong mahagilap sa utak ko para madescribe ang pakiramdam ko. Tingin tingin muna sa wall, palike like, pacomment comment, pero gusto ko talagang magpost ng bago dahil ang last na post ko pa ay yung katangahan ko pa sa pagkabangga sa glass door, pambihira nmn.

Nakachat ko si richierich, friend since college, ang tagal na ata naming di nagkita simula nung umuwi na sya sa province. Kumustahan and yung nga event organizer na daw sya, sabi ko swak lang sa kanya at di sya pang 8-5 na tao. Natuwa naman ako na mukhang okey na sya, nung kabataan kasi namin kumbaga sya ang black sheep ng barkada. Ang pinakamemorable ko ay nung bigla na lang syang sumulpot sa bhaws ko telling me that he felt alone at magmula nung I always look at him in different light. He's a happy go lucky person but after that day I always look beneath it and would ask him from time to time if he is okay. Sabi na nga ba, growing up and responsibilities is risks to friendship eh, after college we went separate ways and kung magkabalitaan man eh bits by bits lang. I'm glad that he's doing okay and when he said na he missed me before ending our chat, nagkatears ang lola hah sabay sabing "miss you too" with all the sincerity in the world.

Im still not fine but at least I don't feel empty. Thanks to Rich for reminding me that I have them.

Kaloka ang music ko, Time and distance by Alicia Keys. Sumakto daw ba.

Oo na miss ko na ang barkada!

Labels: